Mariing kinondena ng Integrated Bar of the Philippines ang brutal na pamamaslang kay Atty. Ben Ramos sa Kabankalan, Negros Occidental kahapon.
Si Ramos ang Secretary General ng National Union of Peoples’ Lawyers o NUPL.
Ayon kay Atty. Abdiel Dan Eijah Fajardo, national president ng IBP, nagdudulot na ng takot at pangamba sa kanilang hanay ang patuloy na pamamaslang sa mga abogadong ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin na matulungan ang mga mahihirap nating mga kababayan.
Dahil nananawagan ang IBP sa mga otoridad na agad resolbahin ang pamamaslang kay Ramos at sa ibang mga abogado na pinatay ng mga di kilalang salarin.
Humihingi rin ng proteksiyon ang IBP sa PNP para sa mga abogado, piskal at mga hukom para dahil “walang laban” sa mga baril at bala ng mga kriminal na walang pagpapahalaga sa buhay ng sinuman.
Dagdag pa ni Fajardo, ang bawat kaso ng pagpatay sa mga abogado, piskal at hukom na hindi nareresolba ay atake sa “rule of law” sa bansa.