TINUPOK | Apartment sa Caloocan City, nasunog

23

Caloocan City – Patuloy na inaalam ngayon ng mga otoridad ang pinagsimulan ng apoy na tumupok sa isang apartment building sa Barangay 159, Caloocan City.

Ayon sa Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP), umabot lamang sa unang alarma ang sunog na sumiklab bandang 11:18 ng gabi kung saan pag-aari ito ng isang Arlene Saldaña.

Nasunog ang tatlong units na pawang okupado ng tatlong pamilya pero wala namang naitalang nasugatan o namatay dahil sa insidente.

Aabot naman sa P150,000 ang pinsala dahil sa naturang pagliliyab.

Facebook Comments