Las Piñas City – Wala nang dapat pang ikabahala ang mga residente ng Barangay Almanza Uno sa Las Piñas City dahil idineklara nang fire undercontrol ang sunog na tumupok sa mahigit sa 600 kabahayan. Ayon kay Arson Investigator FO1 Rizaldo Aguitan, idineklarang fire under control ang sunog alas siete y dos ng umaga. Nagsimula ang sunog kaninang alas dos sikweta’y kwatro ng madaling araw sa tahanan ng isang Mariliyn Cura, 40 anyos, sa Phase 2 ng Laong Compound. Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas BFP, naiwanang niluluto, gamit ang kahoy bilang panggatong ang nakikitang mitsa ng sunog. Kanina, nahirapan pa ang mga bumbero na mapasok ang lugar, dahil sa makitid na mga daan at dahil sa nagkakaubusan ng tubig ang mga fire trucks. Wala naman namatay sa sunog, pero mayroon isang napaulat na nasugatan, makaraang madulas sa pagmamadali sa kasagsagan ng sunog.
TINUPOK | Sunog sa residential area sa Las Piñas City, under control na
Facebook Comments