City PNP conducts hostage scenario exercise

20

Nagsagawa ng hostage taking scenario o drill kahapon ang Cotabato City Police Office sa bahagi ng mother barangay Rosary Heights. Ayon kay City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio, na itoy bahagi parin ng kanilang pagsasanay o kahandaan upang sa pagdating ng panahon kapag may ganitong pangyayari ay alam na ng mga pulis kun anu ang dapat nilang gawin. Sa drill ay ipinapakita kung paano ma-neutralized ang hostages-taker na may dalang patalim o baril kung hindi ito madaan sa magandang pakiusap. Maalalang nagsagawa din noon ng bomb simulation exercise ang city Pnp sa harap ng isang bangko kung saan sinusukat kung gaano kabilis magresponde ang pulis.

Facebook Comments