TINUTUGIS | Babaeng nag-kiki challenge sa EDSA, hinahanting na ng MMDA

Manila, Philippines – Nakikipag tulungan na ang Metropolitan Manila Development Authority sa National Bureau of Investigation para mahanap ang isang Micha Anne Gabuten.

Ayon kay MMDA Asec Celine Pialago si Gabuten ay nag “In my feelings” o Kiki dance challenge sa EDSA.

Sinabi ni Pialago na nakikipag ugnayan na sila sa NBI para malaman ang address nito para mapadalhan ng summon at pagpaliwanagin.


Sa ngayon nirereview pa nila ang kuha ng kanilang mga CCTV cameras na nakakalat sa EDSA upang mabatid kung saan ito eksakto ginawa ni Gabuten, kailan at anong oras ito nag dance challenge sa EDSA.

Paliwanag ni Pialago si Gabuten ang kauna unahang gumawa ng dance challenge sa EDSA sa kabila nang kaliwat kanan nilang paalala.

Mahaharap ang driver o kumuha ng video ng paglabag sa Reckless driving at multang P500.

Kung ang driver o si Gabuten mismo ang kumuha sa sarili habang nagsasayaw ay kakasuhan ito ng paglabag sa Anti Distracted Driving Act at multang P500 para naman sa jaywalking.

Sa mga oras na ito deactivated na ang FB account ni Micha Anne Gabuten.

Facebook Comments