Tinutugis na Abu Sayyaf Group lider na si Anduljihad Susukan nasa kustodiya na nang PNP

Hawak na ngayon ng mga tauhan ng Philippiine National Police (PNP) ang tinutugis na Abu Sayyaf Group Lider na si Anduljihad alyas “Edang” Susukan matapos siyang i-turn over sa pulisya ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari sa Yñigue Subdivision Maa Davao City.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, agad nagsagawa ng negotiation ang mga pulis sa Davao matapos na matukoy na nasa Davao City si Susukan para magpagamot at kasama ni Chairman Misuari.

Nagpasalamat naman si PNP Chief Police General Archie Gamboa kay Chairman Misuari dahil sa pakikiisa sa negotiation gayundin kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte na tumulong din para sumuko ang wanted na ASG lider.


Si Susukan ay may warrant of arrest dahil sa 23 kaso ng murder, limang kaso ng Kidnapping and Serious Illegal Detention at anim na kaso ng frustrated murder.

Sumasailalim ito sa medical check-up sa Camp Quintin Merecido Hospital sa Davao City bago iti-turn over sa Armed Forced of the Philippines (AFP) General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Facebook Comments