TINUTULAN | Grupong Bantay bigas, ipinanawagan na itigil ang unli-import ng agri-products

Manila, Philippines – Mahigpit na tinututulan ng grupong Bantay bigas ang importasyon ng galunggong, bigas at iba pang agriculture produts.

Sumugod grupo sa tanggapan Department of Agriculture botbit ang mga kaldero na may lamang isang tasang kanin.

Inilatag din ng grupo sa kalsada ang mga bilao ng galunggong na simbolo ng kawalan na ng makakain ang mga mahihirap.


Kasunod naman ito ng pag apruba ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa pag import ng 17,000 metric tons ng galunggong pati na ang pagsulong ng administrasyon sa taricffication bill.

Isinisisi ng grupo sa administrasyon ang nangyayari na isang patunay anila na hindi umano nito natupad ang pangako sa food security at rural development.

Ayon kay Cathy Estavillo, ng Bantay Bigas, ang importasyon ng anumang produkto ay Lalo lang magpapahirap sa mga mahihirap.

Babala ng grupo na patikim pa lamang ang protestang ito sa ikakasa nilang isang linggong protesta na tatawagin nilang kalampag kontra imported at kagutuman, simula ngayong araw hanggang sa Biyernes.

Facebook Comments