Manila, Philippines – Kinontra ng grupo ng mga abogado ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng subpoena powers sa Philippine National Police.
Giit ng Center For International Law (CENTERLAW), ilegal ang subpoena powers sa PNP at malinaw na paglabag ito sa karapatang pantao.
Inihalimbawa rito ni Cristina Antonio ng CENTERLAW ang ‘the right to remain silent’ at ‘the right against self-incrimination.’
Maging ang National Union of People’s Lawyer ay itinuturing na marcosian ang subpoena powers na ito at bukas sa pang-aabuso.
Una nang tiniyak ng PNP na hindi maaabuso ang ibinigay sa kanilang kapangyarihan lalo nat limitado lamang sa tatlong opisyal ng pnp ang may karapatang magpalabas ng subpoena.
Facebook Comments