Tinuturong drug den sa Barangay San Martin, Cubao Quezon City, sinalakay ng PDEA

72
2017-03-03 18:23 GMT+08:00 dennis paule <denn.nned88@gmail.com>:

Bitbit ang search warrant na nakapangalan sa isang Jasmin Sandico, sinalakay ng PDEA NCR ang tinuturong drug den sa  63 Banahaw, Cubao, Q.C. Brgy. San Martin.

 

Nagtakbuhan sa mga bubong ang ilang nakatakas na suspek matapos dumaan sa makitid na bintana.

 

Ayon kay NCR PDEA Director Wilkims Villanueva,  ginawa ang drugs operasyon dahil na rin sa sumbong ng mga residente.

 

Aabot sa 50 gramo na hinihinalang shabu ang natagpuan sa kwarto ni Jasmin na tinatayang nasa 200K piso.

 

Bukod  sa arestadong suspek, hawak ngayon ng mga tauhan ng PDEA ang higit sa 20 katao kabilang ang 3 babae  at may mga  minor de edad.

 

Isasailam sila sa beripikasyon at isasalang din sa drug test.

 

Samantala, patuloy ang pagsisisi ni Jasmin at habang hinaaresto siya ng mga PDEA minura niya ang 13 taong gulang na anak na lalaki sabay sabing mag-aral itong mabuti.



Facebook Comments