Manila, Philippines – Binabantayan na ng Philippine National Police ang kinaroroonan ni Senador Antonio Trillanes IV habang hinihintay ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ito ay matapos ipag-utos ni Davao RTC branch 54 Judge Melinda Alconel-Dayanghirang ang pag-aresto sa Senador dahil sa kasong libel na isinampa sa kanya ni Paolo Duterte.
Ayon kay NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar – NGAYONG weekend o bukas, posibleng matanggap nila ang kopya ng warrant of arrest.
Gayunman, hindi naman na raw kailangang maghigpit ng seguridad sa Senado.
Nagpahayag naman daw kasi si Trillanes na kusang-loob na susuko at dadaan sa mga proseso gaya ng ginawa nito sa kanyang kasong kudeta.
Tiwala din si Eleazar na hindi ba-biyahe abroad ang Senador sa December 11 nang hindi ito nakakapaghain ng piyansa.
Nasa P24,000 ang inirekomendang piyansa ng korte kay Trillanes.