Ang pag awit ay isang mahabang proseso lalo na’t mayroon talagang mga tao na sadyang pinanganak na may magandang tinig. Karamihan pa sa mga Pinoy ay nahihiyang kumanta dahil hindi naman kagandahan ang kanilang boses. Alam mo ba, may magagawa ka para bago sumabak sa entablado ay gumanda ang iyong boses. Nagbahagi si Thor Ganchero ng Anda Pangasinan sa Programang IFM Tambayan , ng mga paraan para maging maganda ang boses at kung paano ito pangalaagaan.
- I-relax lang ang vocal chords bago kumanta para hindi magasgas ang ating lalamunan. Ugaliing mag ehersisyo ng lalamunan, kantahin ang mmm…mmm..mmm. (Humming) imbes na Do Re Mi.
- Huwag pilitin ang mataas na nota, sa halip kumanta ng naayon sa iyong Genre.
- Uminum ng maraming maligamgam ng tubig o mainit na tsaa.
- Pag aralan ang malalim na pag hinga sa tulong ng ating diaphragm.
- Pag aralan ang tamang Phrasing o ang pag hati-hati ng salita ng saganun ay maintindihan ng mga tao ang iyong kinakanta at maiwasan ang pag kawala ng iyong boses.
- Kumanta sa harap ng pamilya o subukang kumanta sa harap ng salamin para maiwasan ang kaba sa harap ng mgadaming tao.
- Dapat bilang isang mang aawit ay mayroon kang dedication at tiwala sa sarili.
Para naman mapangalagaan ang ating boses kailangan nating sundin ang sumusunod:
- Iwasan ang pag inum ng alak at inuming may caffeine.
- Magkaroon ng Sapat na pahinga lalo na ang lalamunan.
- Huwag manigarilyo o huminto na lang sa paninigarilyo ng hindi maapektuhan ang ating Vocal Chords.
- Iwasan ang pagsigaw ng malakas.
Try mo na!
Photo credited to Google Images
Facebook Comments