“DJ Nikka, pa-help naman po. Gustung-gusto ko kasi humaba agad ang hair ko.” *-Raine ng Mandaluyong*
*Tip ni Nikka para sa healthy long hair*
1. MASAHIIN ANG ANIT Kailangan mo lamang ng isang kutsaritang coconut oil. ipahid sa iyong anit at pagkatapos ay masahiin. Epektibo ito upang mapabilis ang paghaba ng buhok dahil nakakatulong ito sa maayos pagdaloy ng dugo sa ating katawan lalo na sa iyong ulo. Ang paggamit naman ng langis ng niyog ay makakatulog sa mabilis na paghaba ng iyong buhok dahil ang langis na ito ay may esensyal na mga bitamina na nakakatulong sa paghaba ng buhok at kadalasang ginagamit na kasangkapan sa paggawa ng hair conditioner.
2. PAG-TRIM O PAGPUTOL NG BUHOK Kabaliktaran man ito sa ninanais mo, ngunit sadyang nakakatulong ang pag-trim u pagputol ng buhok paminsan-minsan. Epektibo itong pampahaba ng buhok sapagkat ang mga sirang hibla ng buhok katulod ng mga split ends ay nakakasira ng kalusugan ng iyong buhok at madalas na dahil ng hair fall o pagkalagas ng buhok.
3. GUMAMIT NG ALOE VERA Ang aloe vera ay nakatutulong sa pagtubo ng buhok at pag-iwas sa paglagas nito. Nababawasan din nito ang pagkakaroon ng balakubak at nagpapanauli ng natural na kintab.
Ikaw idol, may gusto ka bang hingin na tip mula kay Nikka Loka?
Follow us on:
*FB:* *iFM Manila:* www.facebook.com/93.9ifmmanila/ *Nikka Loka: *https://www.facebook.com/djnikkaloka939
*Twitter: * https://twitter.com/ifmmanila
*Instagram:* instagram.com/ifmmanila