Manila, Philippines – Pinaalerto ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang mga Facebook users at subscribers sa bansa na paigtinging ang seguridad laban sa cyber-attacks.
Kasunod na rin ito ng mga insidente ng identity theft at hacking.
Dahil dito, nagbigay ng tips si PNP-ACG Head, Chief Superintendent Marni Marcos tips para maiwasang mabiktima ng mga hackers:
1. Panatilihing pribado ang mga social media accounts.
2. Dapat mayroong unique password sa bawat online account.
3. Ugaliing alamin ang mga tao at ang social media account nito bago tanggapin ang friend request.
4. Protektahan ang personal computer sa pamamagitan ng pag-install ng anti-virus program at pag-activate ng firewall.
Para malaman ang iba pang cybercrime modus operandi at kung paano maiiwasan ito, maaring bisitahin ang official website [www.pnpacg.gov.ph] at Facebook page ng PNP-ACG [PNP Anti-Cybercrime].