Tirador ng itlog na pula, huli sa CCTV

886
Screenshot captured from Lody Arnel Gonzales video.

Nahagip ng CCTV ang pangungulimbat ng isang kawatan ng 11 itlog na pula sa isang tindahan sa Marikina City.

Makikita sa CCTV footage na pumasok ang isang lalaking nakasuot ng kulay puting t-shirt at bumili ng softdrink.


Habang nakatalikod ang tindera, pasimpleng kumukuha ang magnanakaw ng itlog na pula at mabilisang ilalagay sa dalang bag.

Makailang beses siyang dumampot ng itlog na pula at umalis sa tindahan na tila walang nangyari.

Kalaunan, napansin ng tindera na kulang na ang kaniyang nilalako.

Ayon sa may-ari ng sari-sari store, wala na siyang planong magsampa ng kaso laban sa tirador ng itlog na pula.

Ibinahagi niya umano ang bidyo para maging babala sa ibang tindero at mamimili.

Facebook Comments

From Advertisers