‘Tisoy,’ hindi na gagamiting pangalan ng bagyo

Hindi na gagamitin ng DOST-PAGASA ang pangalang ‘Tisoy’ sa listahan ng mga bagyong papasok sa bansa.

Ito’y matapos mag-iwan ng matinding pinsala sa imprastraktura at agrikultura ngayong buwan.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Raymond Ordinario, maglalabas sila ng mga bagong pangalan ng mga bagyo sa Enero.


Hindi na nila gagamitin ang pangalan ng isang bagyo kapag naabot nito ang dalawang pamantayan: umabot ng halos 300 patay o nasa isang bilyong ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Aniya, mayroon silang four sets ng Tropical Cyclone Names na salit-salitang ginagamit.

Mayroon din silang Auxilliary List sakaling lumagpas sa 25 ang bagyong dumaan sa bansa.

Sa datos ng Dept. of Agriculture (DA), aabot sa 3.67 Billion Pesos ang pinsala ng bagyo sa taniman.

Ang mga pangalan na hindi na gagamitin ng Weather Bureau ay Ondoy nang humagupit ito noong 2009 at Yolanda na nanalasa noong 2013.

Facebook Comments