TITIKETAN | Mga motoristang mahuhuling gumagamit pa rin ng plakang “8”, pagmumultahin na ng PNP-HPG

Manila, Philippines – Titiketan na ng PNP-Highway Patrol Group ang mga motoristang mahuhuling gumagamit pa rin ng number 8 protocol plate.

Kasunod ito ng eskandalong kinasangkutan ng isang Toyota FJ Cruiser gamit ang otsong plaka kung saan nagpakilalang kamag-anak ng isang Congressman ang sakay nito na si Jojo Velario.

Nauna na ring kinumpirma ng lto na expired na noon pang 2016 ang protocol plate kaya iligal itong ginagamit ng ilang motorista kabilang na ang mga mambabatas.


Ayon kay PNP-HPG Director C/ SUPT. Roberto Fajardo – multang limang libong piso ang kakaharapin ng sinumang mahuhuli na gumagamit ng otsong plaka.

Samantala, natunton na rin ng mga otoridad ang sasakyan ni Velario pero wala na raw ang plakang otso at iba na ang kulay ng SUV.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung saan nakuha ni Velario ang plaka.

Facebook Comments