Manila, Philippines – Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na hindi maitatapon saan mang lugar sa bansa ang tone-toneladang basura na dinala sa Pilipinas mula sa South Korea.
Ayon kay BOC Spokesman Atty. Erastus Sandino, nakipag-ugnayan na ang collection district ng Cagayan de Oro sa gobyerno ng South Korean upang mapabilis ang pagsasauli ng waste shipments mula sa Pyeongtaek City, South Korea.
Napag-alaman na dalawang beses na nagdala sa bansa ng mahigit 5,000 metriko tonelada na basura ang Verde Soko at ito ngayon ay iniimbestigahan na ng Bureau of Customs (BOC).
Paliwanag ni Austria na nagpahatid na rin ng katiyakan ang Republic of South Korea na gagawin ang lahat upang hindi na maulit ang katulad na insidente.
Makikipagtulungan din aniya sa pamahalaan ang South Korea upang maayos ang insidente.