Manila, Philippines – Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ginagawa nito ang lahat ng mga hakbang upang matugunan ang hindi inaasahang pagtaas ng inflation rate at mapatatag ang presyo ng mga bilihin.
Ayon sa BSP, ang pagtaas ng inflation nitong Agosto ay bunga ng mga nagdaang bagyo at patuloy na nararanasang krisis sa supply ng bigas.
Nakaapekto rin umano ang pagtaas sa singil ng enerhiya at transportasyon.
Ang mga isyung nabanggit ay masusing tatalakayin ng BSP sa pulong ng monetary board sa Setyembre upang makabuo ng mga polisiya na tutugon sa epekto ng inflation.
Tiniyak din ng BSP ang suporta sa pagpapatupad ng mga hakbangin ng pamahalaan na hadlangan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng bilihin.
Facebook Comments