TITIYAKIN | DOJ, tiniyak na protektado ang mga impormasyon na nakarehistro sa I.D. System

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na protektado ang lahat ng impormasyon ng mga taong magpaparehistro sa National I.D. System.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, anumang impormasyon tungkol sa tao ay maari lamang ma-access ng third party kung may pahintulot ito mula sa registered person o utos mula korte.

Aniya, maiiwasan ang identity theft at magiging mahirap na ang paggawa ng krimen at terorismo dahil mabilis nang matutukoy ng mga awtoridad ang mga magsasagawa nito.


Inaasahang ilulunsad ang National I.D. System bago matapos ang tao at ang full blast implementation nito ay gagawin sa susunod na taon.

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro sa Philippine ID ang nasa 25 milyong Pilipino kada taon.

Facebook Comments