TITIYAKIN | Gobyerno handa na sa pagdating ni Paeng – Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na handa ang pamahalaan sa isa na namang paparating na bagyo na posibleng tumama na naman sa Northern Luzon.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, handa ang national government kay bagyong Paeng na ayon sa PAGASA ay hindi naman magiging kasing lakas ng bagyong Ompong.

Pero sa harap nito ay sinabi ni Go na pareho pa rin ang paghahanda ng lahat ng kinauukulang tanggapan ng pamahalaan.


Ito aniya ay para makamit ng gobyerno ang lagi nitong target na zero casualty sa tuwing mayroong dumadaang sama ng panahon sa bansa.

Batay sa impormasyong mula sa PAGASA ay inaasahang dadaan si Paeng sa Basco Batanes, Biyernes ng hapon na may bilis ng hangin na aabot sa 185 kph.
Matatandaan na sinabi na ng Malacañang na mayroong sapat na calamity fund ang pamahalan na kayang tumagal hanggang matapos ang taon.

Facebook Comments