TITIYAKIN | Judicial excellence, mananatili sa ilalim ng pamumuno ni Justice Bersamin – Malacañang

Manila, Philippines – Tiwala ang Malacañang na maisusulong nina bagong Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin at SC Associate Justice Rosmari Carandang ang judicial excellence.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naniniwala ang Pangulong Rodrigo Duterte na maipagtatanggol nina Bersamin at Carandang ang pagiging matatag laban sa mga tiwaling court personnel.

Aniya, kabilang sina Bersamin at Carandang sa sinasabi ni Duterte na the best and the brightest dahil ang dalawa ay kabilang sa top 10 ng kunin ng mga ito ang kanilang Bar exams.


Si Bersamin ang pinaka-senior justice sa SC kung ang pag-uusapan ay ang itinagal niya sa judicial branch sa iba’t-ibang kapasidad.

Mababatid na naging presiding judge si Bersamin sa Quezon City Regional Trial Court Branch 96 noong 1986.

Itinalaga rin siya ni dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo bilang Associate Justice ng Court of Appeals noong Marso 2003 at naging Supreme Court Associate Justice noong Abril 12, 2009.

Samantala, March 2003 ng magsilbing Associate Justice ng Court of Appeals si Carandang at nagsilbi ring presiding judge sa Manila Regional Trial Court.

Facebook Comments