TITIYAKIN | Judiciary, hindi aasa sa tulong ng lehislatura at ehekutibo

Manila, Philippines – Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na mananatiling independent ang sangay ng hudikatura sa gitna ng mga pangangailangan nito para sa mga ipatutupad na reporma.

Ayon sa Punong Mahistrado, ang Kataasang-Taasang Hukuman ay bahagi ng sovereign nation at ang tungkulin nito ay maging independent judiciary.

Sabi pa ni Bersamin na hindi maaaring palagi silang dudulog sa dalawang equal branch ng government upang humingi ng ayuda.


Ito aniya ang kahalagahan ng mga katuwang o development partners ng Korte Suprema na laging handa na magpondo sa mga inisyatiba ng korte.

Ilan sa mga ito ay ang US Agency for International Development, American Bar Association, Asia Foundation at iba pa.

Facebook Comments