TITIYAKIN | Magiging desisyon ng SC sa mga petisyon ni Trillanes susundin ng Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na igagalang nila ang anomang maging desisyon ng Korte Suprema sa inihaing petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV na ibasura ang Proclamation number 572.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, maluwag nilang tatanggapin ang anomang maging desisyon ng Korte Suprema sa Temporary Restraining Order at Writ of preliminary injunction na iginulog ni Trillanes sa kataas-taasang hukuman.

Paliwanag ni Go, nasa Korte Suprema ngayon ang bola at hurisdiksyon para ideklarang tama o mali ang inilabas na Proclamation Number 572 ni Pangulong Duterte.


Hindi naman lubos maisip ni Go kung bakit hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin si Trillanes sa Senado gayong wala namang warrant of arrest na nakalabas laban dito kaya naman nanawagan si Go na umuwi nalang si Trillanes sa kanyang bahay.

Facebook Comments