Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng sapat na seguridad ang mga mayor, lalo na iyung mga may death threats.
Ayon kay League of Municipalities of the Philippines President at Socorro, Oriental Mindoro Mayor Maria Fe Brondial – nagbunga ang kanilang dayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang hiniling ng samahan ng mga mayor sa bansa na makausap ang Pangulo kasunod ng sunud-sunod na pagpatay sa ilang local officials.
Kaugnay nito, sinabi ni Brondial na inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG) na makipag-ugnayan sa LMP para sa alituntunin sa pagbibigay ng security detail sa mga local officials.
Karaniwang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ibinibigay na security detail sa mga opisyal ng pamahalaan.