TITIYAKIN | Mga proyekto sa ilalim ng build, build, build program, pabibilisin pa – DPWH

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pabibilisin ang konstruksyon ng mga proyekto sa ilalim ng build, build, build program ng Administrasyong Duterte.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pananagutin ang mga kalihim na hindi nagagampanan ang sinumpaang tungkulin.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, hamon ito para sa ahensya.


Suportado rin ng kalihim na tanggalin ang mga contractor na pumalpak sa kanilang obligasyong ipinangako.

Kasunod ito ng inilabas na rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) na magsagawa ng review sa ilang contractor dahil sa 120 delayed projects na nagkakahalaga ng aabot sa 6.7 billion pesos.

43 contractor na ang nasa ilalim ng suspension proceedings ng DPWH.

Sakaling mapatunayang nabigo sila sa pagsunod sa completion target ng gobyerno ay kakanselahin ng DPWH ang kontrata.

Facebook Comments