Manila, Philippines – Maituturing ng normal ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula ng maalis ang sumadsad na eroplano ng Xiamen airline noong Biyernes ng madaling araw.
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, regular flights na ang dumadating at lumilipad sa NAIA maliban sa mga delayed.
Giit ni Monreal, tatapusin muna nila ang imbestigasyon sa pagsadsad ng eroplano bago nila pagtuunan ng pansin ang mga panawagang magbitiw na sa pwesto ang mga opisyal ng MIAA.
Inirekomenda rin ni Monreal ang paglalagay ng dagdag na runway sa lahat ng paliparan sa bansa na dapat aniya ay hiwalay at parallel o hindi magkadikit para iwas aksidente.
Facebook Comments