TITIYAKIN | MMDA, tiniyak na hindi makikinabang ang mga colorum na sasakyan sa carpooling

Manila, Philippines – Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi makikinabang ang mga colorum sa pagpapatupad ng carpooling.

Ayon kay MMDA Special Operation Head Bong Nebrija, mahigpit ang gagawin nilang pakikipag-ugnayan sa LTFRB.

Aniya, kailangang maging malinaw ang ilalatag na polisiya lalo at hindi nagkakalayo ang carpooling sa mga colorum.


Muli namang ipinaalala ni Nebrija na magpapatuloy ang dry run sa High Occupancy Vehicle o HOV scheme sa EDSA hangga’t hindi naisasapinal ang panuntunan.

Facebook Comments