Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sa susunod na linggo ay mabibili na rin sa mga pamilihan ang mas mataas na kalidad ng NFA rice.
Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, nagkakalaha ang mas kalidad na NFA rice ng P32 kada kilo.
Kahapon, sinimulan nang ibenta sa mga palengke sa Metro Manila ang P27 kada kilong NFA rice.
Pero itinakda sa limang kilo kada konsumer muna ang limit ng pagbili nito hanggang maging stable ang supply ng NFA rice.
Kasabay nito, siniguro ng NFA na hindi na mauulit ang pagkaubos ng buffer stock ng NFA rice.
Inaasahan rin ng NFA na bababa ng piso ang presyo ng commercial rice ngayong may NFA rice na sa pamilihan.
Facebook Comments