TITIYAKIN | Pagharap sa paglalagay ng missile ng china sa WPS, gagawan ng paraan ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na gagawin ng Pamahalaan ang lahat ng dapat gawin para maresolba at maipaabot sa China ang pagkabahala sa ginawa umano nitong militarisasyon sa mga pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.

Matatandaan kasi na batay sa balita ay naglagay ng surface to air missile at anti-cruise missile ang China sa tatlong post nito sa disputed areas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, gagamitin ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs ang lahat ng diplomatic means para isulong ng Pilipinas ang interes nito sa mga pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.


Sinabi din ni Roque na ngayon ay patuloy paring kinukumpirma ng Malacañang ang nasabing report dahil ang issue ay mula palamang sa Media reports at wala pang verified information na lumalabas.

Naniniwala din naman si Roque na mareresolba ang problemang ito dahil maganda naman ang relasyon ng Pilipinas at China.

Facebook Comments