TITIYAKIN | Presyo ng baboy mananatiling stable bago mag-Pasko – DTI

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagtaas sa presyo ng manok gulay at ilang mga pangunahing bilihin sa merkado.

Tiniyak ng Department of Trade & Industry (DTI) na walang magiging paggalaw sa presyo ng baboy bago sumapit ang Pasko.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo ang farm gate price ng kada kilo ng baboy ay nasa P130 at nasa P70 naman ang kita traders, raisers at ang slaughtering fee kung kaya at aabot sa P200-P220 ang presyo kada kilo ng baboy


Samantala nilinaw naman nito na walang epekto ang umiiral na ban sa pork products galing sa ibang bansa dulot ng African Swine Fever scare.

Sa katunayan ani Castelo nakausap nila ang ilang pork producers at raisers at nangako ang mga ito na hindi tataas ang presyo ng baboy hanggang bago sumapit ang Pasko.

Facebook Comments