TITIYAKIN | PRRD, tiniyak na hindi aarestuhin ang mga negosyador ng NDFP

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi aarestuhin ang mga leader ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ay matapos kanselahin nina NDFP Senior Adviser Luis Jalandoni at NDFP Peace Panel Chairperson Fidel Agcaoili ang biyahe nito papuntang Pilipinas dahil sa bantang aarestuhin sila.

Sa 35th anniversary ng Army Reserve Command, sinabi ng Pangulo na malaya ang mga NDFP negotiators na makausap ang kanyang mga inatasang opisyal.


Nabatid na nakatakda sana ang informal talks nina Jalandoni at Agcaoili kina Presidential Peace Adviser Jesus Dureza at Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa susunod na linggo.

Facebook Comments