TITIYAKIN | Sen. Koko Pimentel, tiniyak na imo-monitor ang implementation ng Ease of Doing Business Act of 2018

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Koko Pimentel III na imo-monitor ang implementasyon ng Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ayon kay Pimentel, Chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, kapag naipatupad ito ng maayos, magiging competitive ang Pilipinas pagdating sa pagnenegosyo.

Makikipagtulungan si Pimentel sa Department of Trade and Industry (DTI), Civil Service Commission (CSC) at iba pang kaukulang ahensya para masigurong mararamdaman ng mga negosyante maging ng publiko ang buong benepisyo ng batas.


Ang R.A. 11032 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong may 28 para mabawasan ang red tape sa gobyerno at layong pabilisin ang pagpoproseso ng mga kinakailangang dokumento para sa pagtatayo ng negosyo sa bansa.

Facebook Comments