TITIYAKIN | Senado, hindi papaapekto sa mga pwersang kontra at pabor sa cha-cha

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III ang pagiging independent ng mataas na kapulungan sa isyu ng charter change o cha-cha para bigyang daan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong pederalismo.

Pahayag ito ni Sotto, makaraang lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na 67-percent ng mga Pilipino ang tutol sa planong pag-amyenda sa ating saligang batas.

Diin ni Sotto, ang Senado ay nilikha para maging malaya o walang sinasandalan, walang kinikilingan, patas at malakas ang loob.


Giit pa ni Sotto, dapat kayang labanan ng Senado ang kapangyarihan ng ehekutibo at ang along hatid ng opinyon ng publiko.

Tiniyak din ni Sotto, na papakinggan niya ang lahat ng mga kasamahan niyang mambabatas kaugnay sa isyu ng cha-cha bago siya magbigay ng anumang pahayag.

Facebook Comments