TITIYAKIN | Sotto, tiwalang bababa ang inflation rate

Manila, Philippines – Naniniwala si Senate President Vicente Tito Sotto III na bababa na ang nararanasang inflation rate sa bansa na kasalukuyan na umabot na sa 6.4 percent.

Ayon kay Sotto tiniyak sa kanya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kanilang pagpupulong na gumagawa ng hakbang upang mapababa ang inflation rate sa bansa.

Aminado si Sotto nakakabahala ang pagtaas ng inflation rate kasabay ng pagtaas ng dolyar.


Subalit naniniwala si Sotto sa kakayahan ng BSP na makakasabay ang bansa at bababa ang inflation rate.

Nag-ugat ang pahayag ni Sotto matapos na umabot na sa 6.4 percent ang inflation rate sa bansa na nagtutulak sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments