Pinangunahan ni U.S. President Donald Trump ang paggunita sa ika-17 taong anibersaryo ng September 11 terror attack noong 2001.
Sa kanyang talumpati, binigyang pugay ni Trump ang nasa 3,000 indibidwal na nasawi sa pag-atake matapos na ma-hijack ang flight 93 at tumama sa north tower ng World Trade Center.
Tiniyak ng U.S. President na hinding-hindi na mauulit ang anumang uri ng pag-atake sa Amerika habang siya ang nanunungkulan.
Kasabay nito, ipinagmalaki rin ni Trump na mula noong nangyari ang terror attack, may 5.5 milyong mga Amerikano ang sumali sa U.S. Military.
Facebook Comments