Titser sa Malabon may natatanging paraan sa pagbati ng kanyang mag-aaral

122
Screenshot via Facebook/Girlie Laguerta dela Cruz

Nakatutuwa ang pakulo ng isang guro sa Malabon habang sinasalubong niya sa silid-aralan ang mga batang estudyante.

Sa bidyong ibinahagi ni Girlie Laguerta dela Cruz sa Facebook, bago makapasok sa  classroom ang mga mag-aaral, pumipili sila sa nakapaskil na signboard kung paano sila babatiin ng guro.


Ang mga choices ng bata ay high five, yakap, hand shake, or fist bump.

Makikitang game na game ang mga chikiting sa pagpili at buong puso itong ibinibigay ng titser.

Kuwento ni Ma’am Girlie, napanood niya ito na ginagawa ng mga guro sa ibang bansa upang maging masaya ang mga estudyante. Tila epektibo ang gimmick sa mga bata dahil sila ay masigla tuwing papasok.

Sa ngayon, umani ng 6.5 million views ang kakaibang good morning welcome ng guro.

Facebook Comments

From Advertisers