Titulong ‘Datu’ kay Geisler, peke ayon sa Sultanato ng Sulu

Pinabulaanan ng diplomatic representative ng Sultanate of Sulu and North Borneo na peke umano ang titulong “Royal Datu and Ambassador for Peace and Prosperity” na iginawad sa aktor na si Baron Geisler nito lamang Martes.

Wala raw katotohanan ang nasabing titulo na binigay sa aktor dahil nanggaling raw ito sa mga ‘false pretenders’.

Maaalalang ibinahagi ni Baron sa kanyang Instagram post ang nasabing karangalan na ibinigay sa kanya ng mag-asawang nagpakilala bilang mga hari at reyna ng Sulu na tagapagmana raw ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo.


 

View this post on Instagram

 

I am honoured to be chosen as Ambassador of Peace and Prosperity by Raja Mamay and Queen Hellen of Sulu and North Borneo. This appointment is not about religion but bridging gaps amongst the Filipino people and by inspiring change through my past. By God’s grace I was restored. This serves as a blessing of peace and friendship. My mission is to promote the beauty and culture of our great nation and to encourage the youth to take pride in our heritage. Let us one day, do away with all the hate and resentment, forgive and be united for peace and lasting progress, for our future and the hope of humanity. Padayon! #buildingfreshnewstories #allforGodsglory #LessofmemoreofHim☝🏼

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler) on

Sa opisyal na pahayag na inilabas kahapon, ika-11 ng Setyembre, ng official facebook page ng Sultanato, iginiit ng nasabing representative na si Datu Sadja Matthew Pajares-Yngson na ang mag-asawang sina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Panolino Abdurajak ay hindi kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas bilang ‘claimants’ ng Sultanato.

Ito raw ay pawang mga Tausug na bagamat kilala sa Jolo, ay hindi raw itinuturing na residente ng Sulu dahil sa mga gawi nitong sumasaway sa katuruan ng Islam.

Hindi rin daw ito ang unang pagkakataon na nag-scam ang mag-asawa.

Binigyan-diin rin sa pahayag ni Pajares-Yngson na ang mag-asawa ay “both commoners with no royal blood.”

Samantala, nang makapanayam sj Pajares Yngson, kinuwento nito na ilang beses na ring nakausap ang mag-asawa ngunit hindi pa rin daw nito tinitigil ang ginagawang scamming.

Dagdag pa niya, iilan pa lang raw ang nagawaran ng Royal titles ng Sultanato dahil mabusisi raw ang proseso ng pagkakaloob nito na mahigpit na para lamang sa mga taong nakapagbigay kontribusyon sa Sultanato at sa mga Tausug.

Sabi niya, “Commoners can be granted titles depending on their services to the Sultanate but this is rare and often a long process.”

Paliwanag rin niya, “The only ‘real’ Datus from birth are normally the ones that are part of the House of Kiram.”

Huli namang nitong inihayag na kung sakali man na magkakaloob sila sa pagkilala sa ilang personalidad, hindi raw ang kagaya ni Baron dahil ang mga dating gawi ng aktor ay labag sa katuruan ng Islam.

Ayon naman sa mensahe ni Bangsamoro Transition Authority member Amir Mallawil, “For an individual to be called a datu or given any royal title, one must have the bloodlines and lineage that uphold that title. Believe me, the tarsila doesnt lie. We preserve our genealogies for this sole purpose.”

Samantala, ang inilabas ng statement ay nanggaling kay Paduka Masahari Ai-Maulana Ampun Sultan Hadji Muedzul-Lail Tan Kiram Ibni Almarhum Sultan Mohammad Mahakuttah Abdulla Kiram, ika-35 na Sultan ng Sulu, at Raja Muda (crown prince) ng ama na si Sultan Mohammad Mahakuttah Abdulla Kiram,

Ang nasabing Sultan ay kinilala alinsunod sa Memorandum Order 427, na ipinalabas noong ika-20 ng Mayo. 1974.

Facebook Comments