Tiwala at kumpiyansa ng publiko sa PNP, target makuha ni CPNP Acorda

Kukuhanin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda ang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan sa PNP.

Sa unang command conference na ipinatawag ng PNP chief, sinabi nitong target niyang makuha ang suporta ng mamamayan.

Aniya, noong nanungkulan siya bilang Regional Director ng Police Regional Office 10, mataas ang kanyang trust ratings dahil sa pagbaba ng krimen sa buong rehiyon.


Nais din ni Acorda ng magandang ugnayan sa publiko nang sa gayon ay walang takot na makapagsumbong ang mga ito sa pulis.

Maliban dito, magiging agresibo rin aniya ang kanilang kampanya laban sa krimenalidad, iligal na droga at iba pang iligal na aktibidad.

Facebook Comments