90-day extension ng SIM registration, aprubado na ni PBBM

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang proposal ng Department of Information and Communications Technology o DICT na 90 araw na pagpapalawig sa SIM registration sa isinagawang sectoral meeting sa MalacaƱang kanina.

Sa isinagawang sectoral meeting, nagbigay ng updates ang DICT kay Pangulong Marcos.

Natalakay sa pagpupulong na as of April 23, 2023, mahigit 82 milyon SIMs ang nairehistro na o 49.31% total active SIMs.


Sa ngayon, mayroong mahigit 168 milyong active SIMs sa Pilipinas.

Utos ng pangulo sa DICT na isapubliko ang pagpapalawig nang SIM registration laloā€™t nalalapit na ang deadline nito sa April 26.

Facebook Comments