TIWALA | Desisyon ng economic managers na huwag ituloy ang suspension ng excise tax sa langis, kinampihan

Manila, Philippines – Tiwala si Senate President Tito Sotto III na tama at makakabuti ang rekomendasyon ng economic managers na huwag ituloy ang planong suspensyon ng dagdag buwis sa langis sa unang bahagi ng taong 2019.

Maging si Senator Panfilo Ping Lacson ay pabor din sa nabanggit na posisyon ng Developmental Budget Coordination Committee o DBCC.

Ayon kay Lacson, ang mga kondisyon na pinagbasehan ng planong suspensyon ay hindi na umiiral ngayon.


Inihalimbawa ni Lacson ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Paliwanag ni Lacson, kapag kinapos ang koleksyon sa buwis ay magreresulta sa dagdag pag-utang ng bansa at mas malaking kakulangan sa budget.

Facebook Comments