TIWALA | Kampo ni Trillanes kumpyansang maipapanalo ang kaso sa korte

Tiwala ang kampo ni Senator Antonio Trillanes IV na kahit na bigo ang kanilang panig na maipresenta ang hinihingi ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda na katibayan o pruweba na nag-apply ng amnesitya si Senator Trillanes ay maipapanalo nito ang kaso.

Ayon kay Atty. Robles may mga kaso noon na kinakatigan ng hukuman kahit na secondary evidences lamang ang naipresenta.

Naging mainit kasi ang debate kanina dahil nais makita ni Judge Alameda ang application for amnesty ni Senator Trillanes.


Pero tanging video footage ng umano ay paghahain ng aplikasyon ni Trillanes at Certificate of Amnesty lamang ang naipakita at naipresenta ng kanyang kampo.

Kasunod nito pinagsusumite ni Judge Alameda si Colonel Josefa Berbigal, ang noon ay pinuno ng Department of National Defense Ad Hoc Committee na tumanggap ng aplikasyon ni Senator Trillanes nang gawaran ito ng amnesty noong 2011.

Sa pagdinig kanina, hindi muna naglabas ng warrant of arrest at HDO ang korte laban kay Senator Trillanes dahil binigyan ng 5 araw ni Judge Alameda ang prosekusyon upang magsumite ng reply sa kumento ng panig ni Senator Trillanes at binibigyan din ng 5 araw ang kampo ni Senator Trillanes upang magsumite naman ng rejoinder.

Kapag naihan na ang kumento ng magkabilang panig, deklarado nang submitted for resolution ang kaso laban kay Senator Trillanes.

Facebook Comments