Manila, Philippines – Tiwala ang Palasyo ng Malacañang na magiging maayos ang working relationship ng ehekutibo at Kamara ngayong ang tumatayong House Speaker ay si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matagal nang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Speaker Arroyo at isa ito sa kanyang taga suporta noong halalan.
Sinabi ni Roque na naniniwala sila na uusad ang mga legislative agenda ng Duterte Administration sa liderato ni Arroyo lalo pa at pareho ang paninindigan ni Pangulong Duterte at Arroyo sa iba’t-ibang issue.
Iginiit din naman ni Roque na wala silang kinalaman sa pagpapalit ng liderato ng Kamara at iginagalang nila ang desisyon ng mga ito.
Facebook Comments