TIWALA | Malacañang, kumpiyansang maitataguyod ni Sec. Locsin ang independent foreign policy ng bansa

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Malacañang na maprotektahan, maipagtanggol at maipatupad si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang foreign independent policy ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maisusulong ni Locsin ang kapakanan ng mga OFW sa buong mundo.

Aniya, bilang isang abogado natitiyak niyang matututukan ni Locsin ang interes ng mga Pilipino lalo na ang soberenya ng bansa.


Kasunod ng kumpirmasyon sa CA, ipinahayag ni Locsin na bitbit niya sa pamamahala ang kanyang brand of diplomacy na magrerepresenta ng tunay na kahulugan ng independent foreign policy.

Facebook Comments