Manila, Philippines – Tiwala ang Malakanyang na bubuti din ang business at consumer confidence sa susunod na taon.
Ito ay sa harap na rin ng resulta ng survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pagdausdos ng kumpiyansa ng mga consumer at mga negosyante para sa huling bahagi ng 2018.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang mga isyung nakaka-epekto sa kumpiyansa ng mga negosyante at mga consumer.
Patunay aniya nito ay ang unti-unting paghupa ng inflation na nasa 6 percent na lamang nitong Nobyembre mula sa dating 6 point 7 percent noong Setyembre at Oktubre.
Facebook Comments