Tiwala ng business sector sa ekonomiya, hindi natinag gitna ng mga isyu ng korapsyon —Malacañang

Solid pa rin ang tiwala ng business sector sa ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, bagama’t may bahagyang hamon dahil sa negatibong ulat at usapin sa social media, hindi ito nagpayanig sa kumpiyansa ng mga negosyante.

Ang mahalaga aniya ngayon ay umusad, tumutok sa mga reporma, at ipatupad ang mga corrective measures.

Naniniwala rin si Go na pansamantala lamang ang dagok na ito at makakabawi agad ang pamahalaan basta’t maipatupad ang tamang solusyon.

Facebook Comments