Electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos, posibleng abutin pa ng mahigit anim na taon ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo

32

Manila, Philippines – Aabot ng mahigit anim na taon bago matapos ng Korte Suprema, na nagsisilbi ring Presidential Electoral Tribunal, ang recount sa resulta ng 2016 Vice Presidential Elections.

Pahayag ito ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng pagkuwestyon ni dating Senator Bongbong Marcos sa kanyang panalo.

Ayon sa legal counsel ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, ang pagbilang sa election result sa isang munisipyo ay inaabot na ng isang taon at kalahati hanggang dalawang taon at nasa poll protest ni Marcos ang labing walong lalawigan at limang siyudad.

Una nang inakusahan ng kampo ni Marcos si Robredo na sinasadyang i-delay ang electoral protest, bagay na ayon kay Macalintal ay pagkakamali ng dating senador.

Itinanggi naman ng abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez ang pahayag ni Macalintal.
Nation

Facebook Comments