Tiwala ni outgoing DSWD Secretary Judy Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Duterte, buo pa rin

Manila, Philippines – Buo pa rin ang tiwala ni outgoing DSWD Secretary Judy Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa sendoff ceremony, ikinwento ni Taguiwalo na sa kabila ng kaniyang prinsipyo ay tinanggap ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng National Democratic Front of the Philippines sa kaniya.

Umaasa naman si Taguiwalo na poprotektahan din ng papalit sa kaniya ang pondo ng gobyerno.


Binigyang diin niya na ang pondo ng DSWD ay para sa tapat at mapagkalingangang serbisyo sa mga mahihirap.

Facebook Comments