Manila, Philippines – Tiwala si Senator Sonny Angara na hindi na magtatagal at babalik na muli sa normal ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Pahayag ito ni Angara kasunod ng matagumpay na paglagda ng magkabilang panig sa isang kasunduan para sa proteksyon at karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.
Kasabay nito ay pinaboran din ni Angara ang pasya ng Administrasyong Duterte na payagang muling makapagtrabaho sa Kuwait ang mga skilled at semi-skilled na mga mangagawang Pinoy.
Ayon kay Angara, positibo ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para sa kapakanan ng mga OFWs kaya dapat lang itong umani ng buong suporta mula sa lahat.
Facebook Comments