NAKIISA | PNP, walang na-monitor na panggugulo ng NPA nitong nakalipas na Barangay at SK Elections

12

Manila, Philippines – Hindi nanggulo sa ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataan Election nitong nakalipas na Lunes ang New Peoples Army (NPA).

Batay ito sa naging monitoring ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, wala silang na-monitor na mga aktibidad ng NPA nitong eleksyon patikular na ang panggugulo sa mga polling precinct.

Posible aniyang nakiisa rin ang NPA para maging matiwasay ang halalan lalo at makikinabang rin sila rito.

May mga intelligence report aniya silang natanggap na sinasabing ilan sa mga NPA ay nangolekta ng revolutionary tax o permit to win fee sa mga tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election pero beneberipika pa aniya nila ito.

Sinabi pa ni Albaylde na bago ang araw ang eleksyon ay mayroon lamang silang na-monitor na panununog ng mga construction equipment ng NPA sa Davao City.

Facebook Comments