Manila, Philippines – Inanunsiyo ngayon ng Palasyo ng Malacañang na dalawang Assistant Secretary ang pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Secretary Roque, kung hindi magbibitiw ay sisibakin ni Pangulong Duterte sina Assistant Secretary Moslemen Macarambon Senior ng Department of Justice (DOJ) dahil sa kaugnayan nito sa smuggling ng ginto at iba pang alahas sa Ninoy Aquino International Airport.
Pinagbibitiw din aniya ni Pangulong Duterte si Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Tinganun Umpa dahil sa pagabuso sa kapangyahiran nito ay pamomorsiyento nito sa mga contractors sa proyekto ng DPWH sa Mindanao.
Sinabi ni Roque na ang dalawa ay Presidential appointees pero hindi na ito nagbigay pa ng iba pang detalye kaugnay sa kaso ng dalawa.
Sa ngayon aniya ay aabot sa 400 kaso ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission na reklamo sa mga opisyal ng Pamahalaan na sinasabing umabuso sa kapangyarihan o sangkot sa katiwalian.